Ebe Dancel
Makita Kang Muli
[Intro: Ebe Dancel]
Woah-oh, woah-oh
Oh, woah-oh, woah, woah

[Verse 1: Ebe Dancel]
Bawat sandali ng aking buhay
Pagmamahal mo ang aking taglay
San man mapadpad ng hanging
Hindi magbabago aking pagtingin
Pangako natin sa Maykapal
Na tayo lamang sa habang buhay
Maghintay

[Chorus: Regine Velasquez]
Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig
Maghintay ka lamang, ako'y darating
'Pagkat sa isang taong mahal mo
Ng buong puso, lahat ay gagawin
Makita kang muli

[Post-Chorus: Both]
Woah-oh, woah

[Verse 2: Ebe Dancel with Regine Velasquez, Regine Velasquez]
Puso'y nagdurusa, nangungulila
Iniisip ka 'pag nag-iisa
Inaalala mga sandali
Nang tayo ay magkapiling (Magkapiling)
Ikaw ang gabay sa akin tuwina
Ang aking ilaw sa gabing mapanglaw (Ikaw ang gabay sa aking buhay)
Tanging ikaw
[Chorus: Both, Regine Velasquez, Ebe Dancel]
Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig (Ang ating pag-ibig)
Maghintay ka lamang, ako'y darating
'Pagkat sa isang taong mahal mo
Ng buong puso, lahat ay gagawin
Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig (Ang ating pag-ibig)
Maghintay ka lamang ako'y darating
'Pagkat sa isang taong mahal mo
Ng buong puso, lahat ay gagawin
Makita kang muli

[Outro: Regine Velasquez with Ebe Dancel]
(Oh, woah) Makita kang muli
(Oh, woah) Makita kang muli