Ebe Dancel
Kwentuhan
[Verse 1]
Kanina pa tayo magkasama, umaga na pala
Maya-maya lang ay may araw na
Kahit tayo'y pagod, buong mundo ay tulog
Ikaw at ako, dire-diretso lang na walang pakialam

[Chorus]
Kwentuhan lang, wala namang masama
Puro usap lang, ibaon mo na sa limot ang lungkot, yeah

[Verse 2]
Tatawa tayo, sabay seryoso
Unti-unti kang nakikilala, ang sarap-sarap mo palang kasama
Dati kasi tahimik ka lang palagi
Ngunit ngayong gabi, parang kay rami-rami mo nang sinabi

[Chorus]
Kwentuhan lang, wala namang masama
Puro usap lang dahil gusto kitang makilala't makasama
Makasama

[Bridge]
Oh, ho, ho, ho
Oh, ho, ho, ho
Oh, ho, ho, ho
Ho, ho, ho, ho
Oh, ho, ho, ho
Oh, ho, ho, ho
Ho, ho, ho
[Verse 3]
Umaga na, tulog ka na
Ang himbing mong managinip, kay sarap-sarap mong umidlip
Uwi na kaya ako o dito muna siguro
Samahan muna kita dahil parang ayaw mong mag-isa

[Chorus]
Samahan ka, wala namang masama
Kung samahan ka, hanggang lungkot ko'y makatulog din

[Outro]
Ho-oh-oh-oh (Ho-oh-oh-oh)
Ho-oh-oh-oh (Ho-oh-oh-oh)
Ho-oh-oh-oh (Ho-oh-oh-oh)