Nonoy Zuñiga
Ngayong Kapiling Ka
[Verse 1]
Kay tagal ko nang hinintay
Ang pagkakataong umibig pang muli
Kay tagal ko nang nag-iisa
Lungkot ko nga'y aking binibinbin
[Verse 2]
Nang kita'y makilala
Kakaibang damdamin ang bigla kong nadama
Lahat ng takot at pangangamba
Biglang-bigla na lang nawala
[Chorus]
Ngayong kapiling ka, ibang-iba'ng nadarama
Ang buhay ko'y walang kasing ganda
Ngayong kapiling ka, ano'ng kailangan pa
Kung sa pag-ibig mo'y lahat nahanap na
[Verse 3]
Bawat araw ko ay nag-iba
Nagkakulay pa ang bawat sandali
Ang lakas ko sa tuwina
Tumitindi tuwing nasusunod ko'ng iyong mithi
[Verse 4]
Ang lahat ay magbabago
'Pagkat taglay ko na'ng pag-ibig mo
Sa puso ko'y palaging pangalan mo
Ang taglay na tanging awit sa buhay ko

Nahanap na