Na Para Bang

[Verse 1]
'Pag ba ako'ng nauunang
Maglahad ng palad at
Lumapit nang marahan
Magtataka ka ba?
'Di man ako halata
Nagtitimping mag-isa
Dinadaan na lang sa tula
Tanong sa tadhana

[Pre-Chorus]
Oo, walang malisya
Para sayo
Sa akin, meron
Kaya pasensya na

[Chorus]
Kung pwede lang namang maibalik
Sa dati ang lahat pero hindi
'Yung walang ilangan, pwede kang batukan
Na para bang, para bang kaibigan
Baka nga wala namang mali
Kung mag-iba mana ng aking tingin
Nagpapakiramdaman
Sana'y mapanindigan

Ah, ah, ah
Na para bang para bang

[Verse 2]
Ba't ba ako'y alipin ng
Kung ano man ang sasabihin nila?
Nagkakaintindihan
Naman tayong dalawa
'Di mawari kung pa'no nga ba 'to
Magpapatuloy ba o hihinto?
Eh baka naman kasi lahat ay
Biglang magbago

[Pre-Chorus]
Oo, walang malisya
Para sayo
Sa akin, meron na ah

[Chorus]
Kung pwede lang namang maibalik
Sa dati ang lahat pero hindi
'Yung walang ilangan, pwede kang batukan
Na para bang, para bang kaibigan
Baka nga wala namang mali
Kung mag-iba mana ng aking tingin
Nagpapakiramdaman
Sana'y mapanindigan

Ah, ah, ah
Na para bang para bang
Ah, ah-ah-ah, ah
Na para bang para bang

[Bridge]
Sabi sa sarili ko "wala lang 'to"
Pero ba't sayo na'ng aking sabado?
Ang sabi sa sarili ko "wala lang 'to"
"Wala lang 'to, Wala lang 'to"
Sabi sa sarili ko "wala lang 'to"
Pero ba't sayo na'ng aking sabado?
Ang sabi sa sarili ko "wala lang 'to"
"Wala lang 'to, wala lang, 'to"

[Pre-Chorus]
Walang malisya
Para sayo
Sa akin, meron
Kaya pasensya na

[Chorus]
Kung pwede lang namang maibalik
Sa dati ang lahat pero hindi
'Yung walang ilangan, pwede kang batukan
Na para bang, para bang kaibigan
Baka nga wala namang mali
Kung mag-iba mana ng aking tingin
Nagpapakiramdaman
Sana'y mapanindigan

[Outro]
Sabi ko sa sarili ko "wala lang 'to"
Pero ba't sayo na'ng aking sabado?
Sabi ko sa sarili ko "wala lang 'to"
"Wala lang 'to, wala lang 'to"
Sabi ko sa sarili ko "wala lang 'to"
Pero ba't sayo na'ng sabado
Ang sabi sa sarili ko "wala lang 'to"
Na para bang para bang