Ron Henley
Mayor de Edad
[Verse 1: Apekz]
Tapos na'ng tagu-taguan, ayoko ng maging batukan
Ngayon wala nang makakaagaw ng ulam dun sa aking baunan
Kahit ano mang sugat 'yan nginigitian ko lang
'Di ba nga wala kang makikitang bahaghari sa katiting na ulan
Kaya gumawa ng mga barang talagang bago sa panlasa
Sino na ngayon ang bata, eh sa mga likha niyong talata
May timutilapon pa na lata nasa indyon pa nga yata
Baka 'di ko na 'to ma-control, ang dami pa daw ng pagdadadaanan
Ko kaya pasensya na tol kung makabundol
Lahat tumba alanganin umawat lahat ay paso
Kapag sa akin humawak gusto mong sumabay
Mag-Ama Namin ka dapat akyatin ang arayat
Magbasa ng tubig at dakmain yung kawad
Palaging balanse may lalim at lawak may tapang ni David kay Goliath
Pag kinaharap mapapatingin ka na lang sa puwet mo
Kung marami kang balat kumakatay ng patimpalak at 'pag sa ring umapak
Inosente na mukhang may maitim na balak minsan aning-aning
May sapak malagim pa sa may labing anim na tyanak nakapalibot at may patalim
Na rin na gustong gawing pang-tarak, itinakwil ang dagat upang sakupin
Ang lahat ng lupaing matatapakan (Ako 'yong)

[Chorus: Apekz]
Bagong salta, 'wag mo akong abusuhin, 'wag mo 'kong brasuhin
Lahat ng gawin mo palpak
Unang pahina pa lamang ito ng aking libro
Kaya bagong salta, 'wag mo akong abusuhin, 'wag mo 'kong brasuhin
Lahat ng gawin mo palpak
Unang pahina pa lamang ito ng aking libro
Ako'y isang mayor, mayor, mayor, mayor, mayor
Mayor, mayor, mayor, mayor
Ako'y isang mayor, mayor, mayor
Mayor, mayor, mayor, mayor
[Verse 2: Ron Henley]
Tuklasin natin ang hilaga mula sa katimugan
Maligo sa hiwaga ng buwan 'pag kabilugan
Tinatawag na tayo ng kalikasan pero mga ihi pataasan
Mananatili pa rin naman akong gutom kahit pa malipasan
Sari-saring pangitaing naghayag ng dadamin sa akin
Kama kailan para aking muling buklatin at ungkatin
Ang lumat at bagong tipan, nang sa gayon bawat letra at bara
Ay mala bareta de cabra upang buksan ang isipan
Makalipad na muli ang Maria Cafra
Pakiramdam ngayon parang pinanganak muli
Tapos na ang kasuputan
Panahon na para maging tuli
Mga papel na medyo may bahagyang tupi tupi
Matatamis nilang salita ang dahilan kung ba't tayo'y bungi bungi
Kaya humanap ako ng pamatay sunog buhay ay panay pagsubok
Masalimuot pero bandang dulo alam kong may ginhaw rin ang dulot
Dire-direcho daanan man nati'y disyerto hanggang sa huling patak ng metro
Walang aapak sa preno hangang mag yelo ang impyerno

[Chorus: Apekz]
Bagong salta, 'wag mo akong abusuhin, 'wag mo 'kong brasuhin
Lahat ng gawin mo palpak
Unang pahina pa lamang ito ng aking libro
Kaya bagong salta, 'wag mo akong abusuhin, 'wag mo 'kong brasuhin
Lahat ng gawin mo palpak
Unang pahina pa lamang ito ng aking libro
Ako'y isang mayor, mayor, mayor, mayor, mayor
Mayor, mayor, mayor, mayor
Ako'y isang mayor, mayor, mayor
Mayor, mayor, mayor, mayor
[Verse 3: Smugglaz]
Tabi-tabi po, pwede bang makiraan dadaan kasi ako sa gitna
Ng usap-usapan ng mga higanteng na naging pananaw ay mata ng pigsa
Sa mga munting katulad ko na laging natatapakan sa daan ng iba
Na ngayon ay hindi lang naging tinik sa lalamunan naging bubog pa sa talampakan nila
Kaya nga mga boss manatili kayo na nakayuko sa kada hakbang
Ingat sapagkat ang ulat ng aking mga balita'y higit pa sa sapat lang
Bilang isa sa mga responsable ay malumanay ko na ipinapabatid
Na itong laro ay 'di na basta torohan, balian na 'to ng sungay mga kapatid
Oo naging bulag nga ko noon sa mga neto ko lang kinamulatan
Pero 'di ako pinanganak kahapon para mamatay lamang kinabukasan
Imbis na sayanging mga pagkakataon mga panahon ay nilubos ko na din ng husto
Sapagkat henerasyo na ngayon ng hiphop bente dos 'to
'Di lang utak ang siyang pinairal ko ibang klaseng karunungan na malayo sa mga kaalaman na inaral niyo
Kusa ko lang natutunan na sa makulay na tunay na buhay
Ay 'di napapahumpay sinuman ang sumabay
'Yun lang ay kung may puso kang handang mamatay at pumatay para magtagumpay
(Ako'y isang mayor, ako'y isang mayor, ako'y isang mayor, ako'y isang mayor, ako'y isang mayor, ako'y isang mayor, ako'y isang mayor, ako'y isang mayor, ako'y isang mayor)