Ron Henley
Biglang Liko
[Intro: Ron Henley]
Yiee, tara!
Sumama ka sa'kin
Alam mo na
Dadalhin kita kung sa'n mo gusto

[Verse 1: Ron Henley]
Ang pawis ko'y tumatagaktak
Sa bilis, may pumapalakpak
Abutin natin ang langit, ibuka ang pakpak
Langhapin ang halimuyak ng mga bulaklak
Ako ay paruparo, nakadapo sa'yong damo
Sa liwanag ng ganda mo ang daming nabibighaning gamogamo
Yakapin mo ako habang atin ang gabi
Kasi mundo natin ay laging salisi
'Pag ika'y nasa baba, ako ay nasa taas
Sa tuwing ikaw ay darating, ako ay lalabas
'Wag ka masyadong marahas
Sige lang, isigaw mo pa nang malakas
Ilagay mo sa tono 'di kita tinatanong
Pero sagot mo'y

[Pre-Chorus: Ron Henley]
Oo, oo, oo, oo, hintayin mo ako
Malapit na 'ko, sabay na tayo
Papunta na 'ko, nasa'n ka na ba?
Kung ako sayo sumama ka na, tara
[Chorus: Ron Henley & Pow Chavez]
Tara, tara, sumama ka sa'kin
At hawakan ang aking kamay
Tayo ay maglalakbay
Patungo sa lugar kung saan tayo lang ang may alam
Tara, tara, sumama ka sa'kin
At hawakan ang aking kamay
Tayo ay maglalakbay (Ooh)
Patungo sa lugar kung saan tayo lamang ang laman

[Verse 2: Ron Henley]
Pinto ay sarado, buksan ang kandado
Talian ang aso, papasukin mo na 'ko
Meron akong regalong 'di mo malilimutan
Matagal ko 'tong pinag-ipunan
Pahiram ng upuan, para aking patungan
Ng aking dala-dala nang akin nang makunan
Para may alaala ka sa pag-alis mo
Panuorin kung sakali'y ako ay mamimiss mo
Tayo na magsabay, magkamay
Kahit na pagkain ay 'di sa plato nakalagay
Masarap ba? D'yan ako sanay
Kaya pala mga sagot mo sa'kin ay panay

[Pre-Chorus: Ron Henley]
Oo, oo, hintayin mo ako
Malapit na 'ko, sabay na tayo
Papunta na 'ko, nasa'n ka na ba?
Kung ako sayo sumama ka na, tara
[Chorus: Ron Henley & Pow Chavez]
Tara, tara, sumama ka sa'kin
At hawakan ang aking kamay
Tayo ay maglalakbay
Patungo sa lugar kung saan tayo lang ang may alam
Tara, tara, sumama ka sa'kin
At hawakan ang aking kamay
Tayo ay maglalakbay
Patungo sa lugar kung saan tayo lamang ang laman

[Verse 3: Ron Henley]
Oh, nilambing mo nang maghapon
At dinilaan ang mukha mo
Nangangahulugan hindi lahat nang hinihimas ay umaamo
Aso't pusa nagkalmutan, nag-away, nagka-untugan
Bagong taon ba ngayon?
Ba't gano'n may nakakaputukan?
Sumibak ng kahoy para panggatong
Para may apoy tayo maghapon
Sakto, ah, may sweldo pa ako
Magwi-withdraw muna 'ko sa bangko

[Pre-Chorus: Ron Henley]
Oo, oo, hintayin mo ako
Malapit na 'ko, sabay na tayo
Papunta na 'ko, nasa'n ka na ba?
Kung ako sayo sumama ka na, tara
[Chorus: Ron Henley & Pow Chavez]
Tara, tara, sumama ka sa'kin
At hawakan ang aking kamay
Tayo ay maglalakbay
Patungo sa lugar kung saan tayo lang ang may alam
Tara, tara, sumama ka sa'kin
At hawakan ang aking kamay
Tayo ay maglalakbay
Patungo sa lugar kung saan tayo lamang ang laman

[Outro: Ron Henley & Pow Chavez]
Diretso lang (Diretso lang)
Diretso pa (Diretso lang)
Diretso lang (Diretso lang)
Diretso pa (Diretso lang)
Diretso lang (Diretso lang)
Biglang liko (Biglang liko)
Diretso lang (Diretso lang)
Biglang liko (Biglang liko)
Diretso lang, diretso lang (Biglang liko)
Diretso lang, diretso pa (Ah-ahh)
Diretso lang, biglang liko
Diretso lang