Sam Concepcion
Kapit
[Verse 1]
Wala na bang natitirang pagmamahal?
Kung dapat nang lumisan, ba't nagtatagal?
'Di ba nadaramang kailangan ka, sinta?
Ano bang nangyayari sa'yo?
Ba't 'di na marinig sigaw nang 'yong dibdib?
Ano ba 'tong sinsasapit?

[Chorus]
'Wag kang bibitaw, kapit sa akin
'Yan ang tangi kong hiling
'Di susuko, kakapit sa iyo
Hanggang sa dulo, ikaw lang at ako
'Wag kang bibitaw, kapit sa akin
Kumapit, kapit

[Verse 2]
'Di ba mahihirapan ka 'pag umalis?
Maghihintay pa rin sa'yong pagbabalik
Ako'y nangangamba sa bilis ng 'yong pasya
Bakit ba nagkakaganito?
Nakatago mong galit at lungkot, binibitbit
Dinggin mo sana kahit saglit

[Chorus]
'Wag kang bibitaw, kapit sa akin
'Yan ang tangi kong hiling
'Di susuko, kakapit sa iyo
Hanggang sa dulo, ikaw lang at ako
'Wag kang bibitaw, kapit sa akin
Kumapit, kapit
[Instrumental Bridge]

[Chorus]
'Wag kang bibitaw, kapit sa akin
'Yan ang tangi kong hiling
'Di susuko, kakapit sa iyo
Hanggang sa dulo, ikaw lang at ako (Ikaw lang at ako)

[Outro]
'Wag kang bibitaw, kapit
'Di susuko, kakapit, kapit
'Wag kang bibitaw, kapit ('Wag kang kakapit)
'Di susuko, kakapit, kapit