Iaxe
Ako’y Sa Iyo, Ika’y Akin
[Verse 1]
Ikaw na ang may sabi
Na ako'y mahal mo rin
At sinabi mong ang pag-ibig mo'y 'di magbabago

[Verse 2]
Ngunit bakit sa tuwing ako'y lumalapit, ika'y lumalayo?
Puso'y laging nasasaktan 'pag may kasama kang iba
'Di ba nila alam tayo'y nagsumpaan
Na ako'y sa'yo at ika'y akin lamang?

[Verse 3]
Kahit anong mangyari
Pag-ibig ko'y sa'yo pa rin
At kahit ano pa ang sabihin nila'y ikaw pa rin ang mahal

[Chorus]
Maghihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot mang ako'y nasa langit na
At kung 'di ka makita, makikiusap kay Bathala
Na ika'y hanapin at sabihin
Ipaalala sa iyo ang nakalimutang sumpaan
Na ako'y sa'yo at ika'y akin lamang

[Instrumental Break]
[Chorus]
Umasa kang maghihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot mang ako'y nasa langit na
At kung 'di ka makita, makikiusap kay Bathala
Na ika'y hanapin at sabihin
Ipaalala sa iyo ang nakalimutang sumpaan
Na ako'y sa'yo at ika'y akin lamangg