Ronnie Liang
Ligaya
Ilang awit ba ang aawitin, O giliw ko
Ilang ulit pa ba ang uulitin, O giliw ko
Tatlong oras na akong nagpapacute sa'yo
Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko

Ilang isaw pa ba ang kakainin ko, O giliw ko
Ilang tansan pa ba ang iipunin, O giliw ko
Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo
Wag mo lang ipagkait ang hinahanap ko

Sagutin mo lang ako
Aking sinta'y walang humpay na ligaya
At asahang iibigan ka
Sa tanghali, sa gabi at umaga
Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba
Na tayo'y mabubuhay ng tahimik at buong ligaya

Ilang ahit pa ba ang aahitin, O giliw ko
Ilang hirit pa ba ang hihiritin, O giliw ko
Di naman ako manyakis tulad ng iba
Pinapangako ko sa'yo na igagalang ka

Sagutin mo lang ako
Aking sinta'y walang humpay na ligaya
At asahang iibigin ka
Sa tanghali, sa gabi at umaga
Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba
Na tayo'y mabubuhay na tahimik at buong ligaya
Aasahang iibigin ka
Sa tanghali, sa gabi at umaga
Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba
Na tayo'y mabubuhay na tahimik at buong ligaya

Aasahang iibigin ka
Sa tanghali, sa gabi at umaga
Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba
Na tayo'y mabubuhay na tahimik at buong ligaya