James Reid
Para Sa Mga Ex
[Verse 1]
Bakit ba kasi nagfi-feeling ka na naman?
Ano ba ang nasa isip?
Malinaw na malinaw na ayaw ko na sa'yo
Wala ka na sa aking piling
Iniisip ng iba, mahal pa rin kita
Akala nila gusto pa rin kita
Pero 'di mo lang alam na nasanay na sila

[Pre-Chorus]
Naaalala mo lahat dinanas ko nung tayo pa
Alam mo namang gustong-gusto pa kita
Pero pinili mong pumunta sa iba
Ngayon dito ka nagmamakaawa

[Chorus]
Sorry pero 'di ko na gusto bumalik
Do'n ka na, wala akong balak bumait
Tingin mo sa'yo umiikot ang mundo
Ayoko nang nagmumukhang gago
Sorry pero 'di ko na gusto bumalik
Magsama kayo, baby, 'di ko na sasagutin
Ang mga tawag mo, akala mo
Sa'yo pa rin ako babalik

[Verse 2]
Nagkakalat ka na naman ng kung anu-ano sa social media
Sabi mo may bago ka pero nagtetext
Pagka-alas-dose ng umaga
Sinabi ng tropa mo na lagi kang nagpapaganda, oh-oh-oh
Akala mo magiging Liza Soberano ka
Tingin mo ako pa rin Enrique Gil mo, 'di ba?
[Pre-Chorus]
Naaalala mo lahat dinanas ko nung tayo pa
Alam mo namang gustong-gusto pa kita
Pero pinili mong pumunta sa iba
Ngayon dito ka nagmamakaawa

[Chorus]
Sorry pero 'di ko na gusto bumalik
Do'n ka na, wala akong balak bumait
Tingin mo sa'yo umiikot ang mundo
Ayoko nang nagmumukhang gago
Sorry pero 'di ko na gusto bumalik
Magsama kayo, baby, 'di ko na sasagutin
Ang mga tawag mo, akala mo
Sa'yo pa rin ako babalik

[Bridge]
Ang saya-saya pa nating dalawa nung una
Problema lang kasi nagbago ka, 'di ka na kilala
Ang saya-saya pa nating dalawa nung una
Problema lang kasi nagbago ka, 'di ka na kilala
Yeah, yeah, yeah, ooh, ooh

[Chorus]
Sorry pero 'di ko na gusto bumalik
Do'n ka na, wala akong balak bumait
Tingin mo sa'yo umiikot ang mundo
Ayoko nang nagmumukhang gago
Sorry pero 'di ko na gusto bumalik ('Di ko na gusto bumalik)
Magsama kayo, baby, 'di ko na sasagutin (Ayaw ko na sa'yo, please lang, baby, yeah)
Ang mga tawag mo, akala mo
Sa'yo pa rin ako babalik