Imelda Papin
Bakit Nga Ba
[Verse 1]
Isip ko ay gulong-gulo
'Pagkat ako'y nilimot mo
Pag-ibig mo'y naglaho
Bakit ba giliw
Nagbago ang damdamin mo?

[Pre-Chorus]
'Di matanggap ng dibdib ko
Na may iba sa puso mo
Nagkamali ba ako?
Saan nagkulang?
Sabihin mo at 'yong iniwan

[Chorus]
Bakit nga ba, aking mahal
Pag-ibig mo'y di nagtagal?
Pangako mo'y wala na bang
Katuparang maganap?
O, kay sakit naman, sumpa mo'y nasaan?
Pagmamahal sa akin ay iyong nalimutan

[Verse 2]
Ano pa ba ang gagawin
Kundi ikaw ay limutin
O, kay hirap tanggapin
Dusa't pasakit
Ang dulot mo sa damdamin
[Pre-Chorus]
'Di matanggap ng dibdib ko
Na may iba sa puso mo
Nagkamali ba ako?
Saan nagkulang?
Sabihin mo at 'yong iniwan

[Chorus]
Bakit nga ba, aking mahal
Pag-ibig mo'y di nagtagal?
Pangako mo'y wala na bang
Katuparang maganap?
O, kay sakit naman, sumpa mo'y nasaan?
Ano nga ba ang dahilan?
Bakit nga ba, aking mahal
Pag-ibig mo'y 'di nagtagal?
Pangako mo'y wala na bang
Katuparang maganap?
O, kay sakit naman, sumpa mo'y nasaan?
Pagmamahal sa akin ay iyong nalimutan