Imelda Papin
Hindi Maiiwanan
[Verse]
'Di sukat akalain
Na mangyari ito
Na mayrong tututol
Sa nabuong pagsuyo
'Di pa ba malaya
Ang puso kong ito
Pag-ibig na kailan lang
Pinupuna't ginugulo

[Pre-Chorus]
Pabayaan na sana
Ang aking damdamin
Kung anong itinibok
Siyang dapat na sundin
Sa bawat ngiti ko
Mararamdaman niyo rin
Na ako'y maligaya
Sa kanyang piling

[Chorus]
Hinding-hindi ko siya maiiwanan
Naturuan na ang puso ko
Ng tapat niyang pagmamahal
Sa harap ng madla, sa mata ng Maykapal
Siya ang palad ko, siya ang mahal
[Pre-Chorus]
Pabayaan na sana
Ang aking damdamin
Kung anong itinibok
Siyang dapat na sundin
Sa bawat ngiti ko
Mararamdaman niyo rin
Na ako'y maligaya
Sa kanyang piling

[Chorus]
Hinding-hindi ko siya maiiwanan
Naturuan na ang puso ko
Ng tapat niyang pagmamahal
Sa harap ng madla, sa mata ng Maykapal
Siya ang palad ko, siya ang mahal
Hinding-hindi ko siya maiiwanan
Naturuan na ang puso ko
Ng tapat niyang pagmamahal
Sa harap ng madla, sa mata ng Maykapal
Siya ang palad ko (Siya)
Oh, siya ang mahal