Imelda Papin
Hinanakit
[Verse 1]
Pagpalain ang hinanakit
Ang ligaya mo ay wari wala
Nasa akin kaya ang pagkukulang kung kaya
Ako ay lagi nang lumuluha

[Verse 2]
Hinanakit sa pag-ibig ang napapala
Ng puso kong sa pag-ibig ay 'di madala
Hinanakit, makailan ulit nang nadapa
At bumangong muli, naniwalang muli
Sa isang salita

[Chorus]
Tulad nila, sa 'yo ba'y walang kahulugan
Ang umibig at ibiging tunay
Matiis mo pa kayang talikdan
Kapag naibigay na sa 'yo
Ang puso't buhay

[Verse 3]
Hinanakit ang sa akin naiwang ganap
Hinanakit sa mundong 'di ako matanggap
Hinanakit ang dulot sa isang mapaghanap
Ng pagmamahal at sa isang pusong banal
Na mayayakap
[Chorus]
Tulad nila, sa 'yo ba'y walang kahulugan
Ang umibig at ibiging tunay
Matiis mo pa kayang talikdan
Kapag naibigay na sa 'yo
Ang puso't buhay
Hinanakit, ikaw ba'y bagong hinanakit
Na nama'y 'di magpapaidlip
Sana nama'y maibsan na ang sakit
Sa laot ng luha'y ikaw ang tagapagsagip

[Outro]
Kung dulot mo ay hinanakit
Bat 'di mo layuan akin