Imelda Papin
Dalawa Kaming Api
[Verse 1]
Isa lamang talaga
Ang dapat na mahalin
Dalawa kaming sabay
Na mayro'ng suliranin

[Refrain]
Kung ang irog mo ay dalawa
Palayain ang isa
Liligaya nang lubos
Ang ’yong pagsinta

[Verse 2]
Hayaan mong siya'y humanap
Ng isa ring mapalad
Upang siya ay lumigaya rin sa wakas
Kung magkagayon
Liligaya na kami
'Di tulad ngayon
Dalawa kaming api

[Refrain]
Kung ang irog mo ay dalawa
Palayain ang isa
Liligaya nang lubos
Ang ’yong pagsinta
[Interlude]

[Refrain]
Kung ang irog mo ay dalawa
Palayain ang isa
Liligaya nang lubos
Ang 'yong pagsinta

[Outro]
Liligaya nang lubos
Ang 'yong pagsinta