Gary Granada
Kung Hindi Ngayon
[Verse 1]
Kung hindi tayo kikilos, sino pa ang kikilos?
Ano pa ang ating hinihintay?
Kung 'di ka ngayon lalaban, kailan ka pa lalaban?
Kung malapit ka nang mamatay?

[Chorus]
Kung hindi ngayon, kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon, kailan pa?
Kung hindi ngayon, kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon, kailan pa?

[Verse 2]
Matrikula'y nagtataasan, paarala'y binubusalan
Niyuyurakan ang ating karapatan
Kinukulong nang walang hatol, pinapatay ang tumututol
Sa makadayuhang pamahalaan

[Chorus]
Kung hindi ngayon, kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon, kailan pa?
Kung hindi ngayon, kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon, kailan pa?

[Verse 3]
Nalalason ang isipan ng maraming kabataan
Ito agad ay dapat sugpuin
Kamandag na komunista, patayin hangga't maaga
Ngayon na, ngayon na, ngayon din
[Chorus]
Kung hindi ngayon, kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon, kailan pa?
Kung hindi ngayon, kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon, kailan pa?

[Verse 4]
Kayong hilaw na aktibista, mabuti pa't magsi-uwian na
Habang ako pa ay nakakapagtitimpi
Oh, umpisahan niyo nang masanay, hanggang walang hustisyang tunay
Ay babalik at babalik kami

[Chorus]
Kung hindi ngayon, kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon, kailan pa?
Kung hindi ngayon, kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon, kailan pa?
Kung hindi ngayon, kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon, kailan pa?
Kung hindi ngayon, kailan pa?