Gary Granada
Burgis
[Koro]
Ano ba ang kahulugan ng kahulugan ng kahulugan?
Ano ba ang kabuluhan ng kabuluhan ng kabuluhan?
Ano ba ang kahulugan?

[Verse 1]
'Di ba’t ang buhay ay bugtong
Hiwagang mahiwaga?
Bakit ka pa magtatanong
Kung sagot ay wala?

[Chorus]
Ano ba ang kahulugan ng kahulugan ng kahulugan?
Ano ba ang kabuluhan ng kabuluhan ng kabuluhan?
Ano ba ang kahulugan?

[Verse 2]
'Di ba't ang buhay ay dula
Ang mundo’y entablado?
Kung gayo'y sinong may gawa
At may-akda nito?

[Chorus]
Ano ba ang kahulugan ng kahulugan ng kahulugan?
Ano ba ang kabuluhan ng kabuluhan ng kabuluhan?
(Hallelujah!)
[Verse 3]
Ang kaligtasa'y natin ay
Sa langit, 'di sa lupa
'Di ba't ang ating sinasamba'y
Sa lupa bumaba?

[Chorus]
Ano ba ang kahulugan ng kahulugan ng kahulugan?
Ano ba ang kabuluhan ng kabuluhan ng kabuluhan?

[Verse 4]
At kung sarili kong gabay
Kanya-kanyang tadhana
Mas maigi pa ang bangkay
Sa lupa ay pataba

[Verse 5]
'Di ba tayo’y mga daga
Na nagpapaligsahan?
Kaya nangangamoy-lungga
Itong pamantasan

[Verse 6]
Magagaling, mahuhusay, at sikat
That’s why we are in UP
Mga samahang hindi mulat
Sa masa'y walang silbi
[Chorus]
Ano ba ang kahulugan ng kahulugan ng kahulugan?
Ano ba ang kabuluhan ng kabuluhan ng kabuluhan?

[Verse 7]
Ganyan ang utak ng sanay
Sa komportableng buhay
Doon sa mundo ng mga gutom
Doon tayo magdiskusyon!

[Outro]
"Naku, nagalit na si Chairman"