Gary Granada
Iskolar ng Bayan
[Verse 1]
'Wag ninyong hayaan ang inyong pag-aaral
Ay maging sagabal sa inyong edukasyon
’Wag magpakababaw sa burgis na asal
O pakadungo sa sariling ambisyon

[Chorus]
Iskolar ng bayan, iskolar ng bayan
Iskolar ng bayan, iskolar ng bayan

[Verse 2]
Itong mga ito ay masyadong pulitikal
Mga lenggwahe niyo ay sobra-sobrang radikal
Ako'y magsusulat upang ang aking editoryal
Mapapakinabangan ng mga mag-aaral

[Verse 3]
'Wag ninyong hayaan ang inyong pag-aaral
Ay maging sagabal sa inyong edukasyon
Suriin niyo, suriin niyo ang tunay na larawan
At ihayag ang kalagayan ng ating lipunan

[Chorus]
Iskolar ng bayan, iskolar ng bayan
Iskolar ng bayan, iskolar ng bayan
[Verse 4]
Hawak lamang ng iilan ang ekonomiya
Hawak ng dayuhan ang ating pulitika
Ang ating kultura ay sa interes nila
Ang ating kaisipa’y nababaog pala

[Verse 5]
'Wag nating hayaang magparami pa sila
Jojo, dito kay Lean, ako ay may kaba
Hanyong, Mister Tim, 'wag kayong mag-aalala
Manmanan natin ang bawat kilos nila

[Verse 6]
'Wag ninyong hayaan ang inyong pag-aaral
Ay maging sagabal sa inyong edukasyon
Basahin niyo, basahin niyo upang inyong malaman
At upang ipaalam niyo rin sa taumbayan

[Chorus]
Iskolar ng bayan, iskolar ng bayan
Iskolar ng bayan, iskolar ng bayan
Iskolar ng bayan, iskolar ng bayan
Singko-lar ng bayan, iskolar na ba 'yan?
Iskolar ng bayan, iskolar ng bayan

[Outro]
"Ows?"