Donna Cruz
Pangako ng Kahapon
Kamusta ba'y ligaya
Sa unang pagkikita?
Bakit nga ba ang puso
Pilitin mang pigila'y, ayaw mapag-isa?

Walang hanggang pangarap
Ang s'yang nakakatulad sa pagsapit ng bukas
Ligaya nga kaya'y wala na ngang wakas

Kamusta ba'y pangako
Kapag mayro'ng pagsuyo?
Kapag nararahuyo, maging kahit ano'y ipipintig ng puso

Lunod sa alaala
Ganyan nga ba sa t'wina?
Gabi hanggang umaga
Pangako nga kaya'y hindi mag-iiba

Kamusta ba'y pangako
Oh-oh, oh

Walang hanggang pangarap
Ang s'yang nakakatulad
Sa pagsapit ng bukas
Ligaya nga kaya'y, wala na ngang wakas?
Kamusta ba'y paalam
Kung 'di maunawaan?
Tanong ng bawat puso
Sinong dapat itangi, hanggang kailan pa man

At kung sadyang sumapit
Na 'di ka n'ya ang langit
Ligaya na iniwan
Pangako ng kahapon
Ngayo'y isang paalam

Kamusta ba'y paalam
Sa 'yo aking mahal?