Join The Club
Domino
[Verse 1]
Matutupad ba ang hiling ko?
Para bang dominong tinayo
Pinitik palayo sa iyo
Hinihintay ang buwan hanggang dulo
Para bang dominong nilaro
Sana'y ’di mo na lang binuo

[Pre-Chorus]
Humahagibis ang mga halik ng alaala
Bumabalik noong musmos pa tayong mga bata

[Chorus]
Bakit pa ngayon kung kailan mapapasko? (Mapapasko)
Iniwan mo ako, naglaho parang multo
Bakit pa ngayon kung kailan mapapasko? (Mapapasko)
Pusong binigo, umasa lang sa iyo
Para bang dominong nilaro
Sana'y 'di mo na lang binuo

[Verse 2]
’Pagtatakpan, 'wag nang pahirapan
Para bang dominong gumulo
Isip binalibag, nalito

[Pre-Chorus]
Sumasalakay na ang mga sandaling wala ka
Sabay sa pagkagat nitong lamig sa aking palad
[Chorus]
Bakit pa ngayon kung kailan mapapasko? (Mapapasko)
Iniwan mo ako, naglaho parang multo
Bakit pa ngayon kung kailan mapapasko? (Mapapasko)
Pusong binigo, umasa lang sa iyo
Para bang dominong nilaro
Sana'y 'di mo na lang binuo

[Bridge]
Aminin mo ano ba 'ko sa iyo?
Sabihin mo at kusa pang lalayo
Sa iyo, domino, domino