Tanya Markova
No Eating Below The Belt
[Angel]
Tok-tok-tok

[Harlon]
Oy! Angel!
(Naku naman, oh, wrong timing)

[Angel]
Harlon! Ay, wala, napadaan lang
Tambay-tambay, kamustahan

[Harlon]
Sakto, may pagkain dito, baka gusto mong kumain muna

[Angel]
(Ayun, gutom na gutom na'ko)

[Harlon]
(Tumanggi ka, tumanggi ka. Please, tumanggi ka)

[Angel]
Ay hindi, ah... busog ako, busog ako

[Harlon]
(Ayan, tumanggi ka)
Masarap 'to, liempo
('Wag kang kakain)
[Angel]
Ay, hindi, hindi, okay lang
Busog pa'ko, tingnan mo t'yan ko oh
(Kumukulo na 'yung t'yan ko!)

[Harlon]
Nahihiya ka pa eh, 'eto na

[Angel]
(Gutom na gutom na talaga 'ko)
Ay, sige na nga, sige na nga, matikman ba
Ano ba 'yan

[Harlon]
Sige, go
(Naku, ba't ka um-oo?)
Kain na, kain na

[Angel]
Ano ba 'yan? Ay, ano 'to? Liem-liempo!

[Harlon]
Mm-hmm

[Angel]
Favorite ko!
[Harlon]
Ako nagluto n'yan

[Angel]
Sige nga, matikman nga

[Harlon]
(Naku, 'wag mong kakainin)

[Angel]
(Ang pangit ng lasa)

[Harlon]
Sige, sige, kain pa

[Angel]
(Panis!)

[Harlon]
Kain ka pa, oh
(Wala na'kong pagkain, pa'no ba'to?)

[Angel]
Ay, okay na'ko
(Maalat na panis. Urgh)
Ay teka, Harlon, may nag-text
(Maka-alis na nga dito)
Ay, Harlon, emergency
O, kelangan ko nang umalis
[Harlon]
Talaga?
Eh ba't ka aalis eh, ano, kaka-punta mo pa lang dito?

[Angel]
(Eh ang pangit ng luto mo eh)

[Harlon]
Ano muna tayo, tambay muna tayo konti

[Angel]
('Wag na)
Ay 'di, sige, mauna na'ko, kelangan ko talagang umalis eh

[Harlon]
('Eto talagang bwisit na'to o, inubos pa 'yung pagkain ko, 'yun na nga lang pagkain ko ngayong araw)
'Eto naman, o, maaga pa naman eh

[Angel]
Ay, sige sige, al-ali-alis na'ko
Next time na lang, next time
(Ay, naku, bilisan ko na talaga dito. Imbyerna)

[Harlon]
Okay, sige, sige
Ba-bye, ba-bye, ba-bye, ingat
(Mabangga ka sana)
Hoy!

[Angel]
Argh!