Tanya Markova
Medusa
[Verse 1]
Baka-sakali na makalapit
Ika'y masungit, baka ako'y kagatin
'Di maaninag, 'di mahagilap
Nag-iisip kung ano ang 'yong gagawin

[Pre-Chorus]
Medusa, 'wag magdusa
Medusa, 'wag magduda

[Verse 2]
Nasisilaw sa mga ilaw
At ang paligid mo ay puro bato
'Di makalaya sa alaala
Nakakulong sa magara't lumang palasyo

[Pre-Chorus]
Medusa, 'wag magdusa
Medusa, 'wag magduda

[Chorus]
Gusto ko lang ika'y matitigan
'Di ko naman kasi mapigilan
'Di ko naman kasi maiwasan
Nais ko lang na ika'y samahan
'Di ka naman kasi malapitan
'Di ka naman kasi karaniwan
Sana ngayon ang panahon
Medusa

[Bridge]
Medusa
Medusa

[Chorus]
Gusto ko lang ika'y matitigan
'Di ko naman kasi mapigilan
'Di ko naman kasi maiwasan
Nais ko lang na ika'y samahan
'Di ka naman kasi malapitan
'Di ka naman kasi karaniwan

Sana ngayon ang panahon
Sana ngayon ang panahon
Sana ngayon, ika'y lumingon
Medusa (Medusa)

[Outro]
Medusa
Medusa (Medusa)
Medusa
Medusa (Medusa)
Medusa
Medusa (Medusa)