Yeng Constantino
Medley: Hawak Kamay / Salamat Medley (Live)
[Verse 1: Hawak Kamay]
Minsan madarama mo kay bigat ng problema
Minsan mahihirapan ka at masasabing, "'Di ko na kaya"
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
O 'di kaya ako'y tawagin
Malalaman mong kahit kailan

[Chorus: Hawak Kamay]
Hawak kamay
'Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak kamay
'Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan

[Verse 2: Hawak Kamay]
Minsan madarama mo
Ang mundo'y gumuguho sa ilalim ng iyong mga paa
At ang agos ng problema ay tinatangay ka
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
Di kaya ako'y tawagin
Malalaman mong kahit kailan

[Chorus: Hawak Kamay]
Hawak kamay
'Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak kamay
'Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan
[Bridge: Hawak Kamay]
Huwag mong sabihin nag-iisa ka
Laging isipin may makakasama
Kasi narito ako, oh, narito ako

[Verse 1: Salamat]
Sana'y iyong marinig, tibok ng damdamin
Ikaw ay mahalaga sa akin, ang awitin ko'y iyong dinggin
At kung marinig ang panalangin
Palagi kang naroroon, humihiling ng pagkakataon

[Pre-Chorus: Salamat]
Masabi ko sa'yo ng harapan
Kung gaano kita kailangan

[Chorus: Salamat]
Ang awiting ito'y para sa'yo
At kung maubos ang tinig, 'di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat

[Bridge: Salamat]
Ito na ang pagkakataon
Walang masasayang na panahon, hey
Mananatili ka sa puso ko kailanman
Para sa'yo ako'y lalaban, ako'y lalaban
[Chorus: Salamat]
Ang awiting ito'y para sa'yo
At kung maubos ang tinig, 'di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat
Ang awiting ito'y para sa'yo (Yeah, yeah)
At kung maubos ang tinig, 'di magsisisi (Yeah)
Dahil iyong narinig mula sa labi ko (Salamat)
Salamat, salamat