Yeng Constantino
Ferris Wheel
[Verse 1]
Meron siyang 'di nalalaman sa akin
Takot man ako sa heights
Walang magagawa dahil nandito na
Magkahalong kaba at pananabik
Ang tuntungang bumuhat sa amin
Kailan man ay 'di niya alam
Hindi pa umaangat loob ko'y nahulog na

[Chorus]
Sa piling mo ay nalulula
Unti-unti ring nasasanay
Sa piling mo ay nalulula
Ngunit parang ayoko na yatang bumaba, ah-ah-ah
Bumaba, bumaba, ah-ah-ah, bumaba

[Verse 2]
Hanging kay lamig ay may binubulong sa'yo
(May binubulong sa'yo)
Sigaw ng damdamin ay mas tahimik pa sa hatinggabi
Ang mundo ay ating minasdan
Habang oras ay bumabagal
Parang ang lahat ay huminto
Larawang dinadala nitong isip ko

[Chorus]
Sa piling mo ay nalulula
Unti-unti ring nasasanay
Sa piling mo ay nalulula
Ngunit parang ayoko na yatang bumaba
[Bridge]
Sa piling mo ay nalulula
Unti-unti ring nasasanay
Sa piling mo ay nalulula
Ngunit parang ayoko na yatang

[Chorus]
Sa piling mo ay nalulula
Unti-unti ring nasasanay
Sa piling mo ay nalulula
Ngunit parang ayoko na yatang bumaba, ah-ah-ah
Bumaba, bumaba, ah-ah-ah, bumaba