Yeng Constantino
Time In
[Verse 1: Yeng, Cebalo]
Ako ang bida ngayon
Masyado kang ambisyosa
'Wag kang kokontra kung ayaw mong masipa sa mukha
Kung kaya, eh 'di subukan na, ah, ah-ah
Masipa sa mukha
Sipain din sa mukha, ah, ah-ah
Ako ang bida ngayon
Hanggang pangarap ka na lang
Sa porma kong artista, daig ko pa si Nora at si Vilma
'Wag ka nang umasa pa, ah, ah-ah
Si Nora at si Vilma
Ilusyanada ka, ah, ah-ah

[Pre-Chorus: Yeng]
Dahil ngayong gabi, ako'y titingalain
Ngayong gabi

[Chorus: Yeng]
Ako si Darna, ako ang dyosa
Ako ang talang nagniningning sa kalangitan
Ako si Wonder Woman, ako ang superstar
Akin ang sandali, ako ang reyna ng gabi

[Verse 2: Cebalo, Yeng]
Ikaw ang bida ngayon
Ako na nga ang bida ngayon
Ang mga kababaihan, silaw sa iyong kagandahan
Pinagmamasdan
Isang prinsesa sa bintana na hinaharana
Ika'y pang-Miss Universe na
[Pre-Chorus: Yeng]
Dahil ngayong gabi, ako'y titingalain
Ngayong gabi

[Chorus: Yeng]
Ako si Darna, ako ang dyosa
Ako ang talang nagniningning sa kalangitan
Ako si Wonder Woman, ako ang superstar
Akin ang sandali, ako ang reyna ng gabi

[Bridge: Cebalo]
Hanggang kailan kaya
Ikaw si Cinderella
Hanggang kailan kaya
Hanggang kailan kaya

[Verse 3: Yeng]
Alas-nwebe na, traffic pa
Kailangan ko nang magmadali
At magta-time in pa
Male-late na naman ako
Sa trabaho kong ito
Siguradong sabon ang aabutin ko
Sa aking among gwapo
Na hindi ko kayang abutin
Hanggang tingin na lamang ba ako
Sa aking prince charming
[Pre-Chorus]
Ngunit malapit na
Magugulat ka

[Chorus: Yeng, Cebalo, Both]
Ako si Darna (Darna), ako ang dyosa (Ikaw ang dyosa)
Ako ang talang nagniningning sa kalangitan
Ako si Wonder Woman, ako ang superstar (Superstar)
Akin ang sandali, ako ang reyna ng gabi

[Outro: Cebalo, Yeng]
Ikaw si Darna, ikaw ang dyosa (Reyna ng gabi)
Ikaw ang talang nagniningning sa kalangitan
Ako si Darna, ay, Cinderella pala