Yeng Constantino
Ligaw
[Verse 1]
Sabi ko naman sa'yo noon
Ako'y walang panahon
Para sa isang relasyon
'Di ba maliwanag 'yon
Bakit ka parin nandito?
Bakit ako parin ang gusto mo?
Simple lang naman ang sabi ko

[Pre-Chorus]
'Di mo maiintindihan
Ano ang aking dahilan
'Di ko rin naman sasabihin
Ayokong kita'y paluhain

[Chorus]
Bakit ka pa naghihintay?
Pa'no kung mawalan ng saysay?
Ang pag-ibig mong sa'kin ay tunay
Bakit ayaw huminto?
Pa'no kung 'di mabigay sa'yo?
Ang hinihintay mong matamis kong oo
Matamis kong oo
Matamis kong oo

[Verse 2]
Grabe 'di ka ba naiinip?
O ayaw mong mag-isip?
Na nakakasawa na
Ika'y aasa-asa
Eh, bakit ka pa rin nandito?
Ano pang dapat sabihin ko?
Para magbago na ang isip mo
[Pre-Chorus]
'Di mo maiintindihan
Ano ang aking dahilan
'Di ko rin naman sasabihin
Ayokong kita'y paluhain

[Chorus]
Bakit ka pa naghihintay?
Pa'no kung mawalan ng saysay?
Ang pag-ibig mong sa'kin ay tunay
Bakit ayaw huminto?
Pa'no kung 'di mabigay sa'yo?
Ang hinihintay mong matamis kong oo

[Bridge]
Ayokong kita ay masaktan
Ayokong kita'y pahirapan
Ayoko ng ganito
Ayokong mahulog sa'yo

[Interlude]

[Chorus]
Bakit ka pa naghihintay?
Pa'no kung mawalan ng saysay?
Ang pag-ibig mong sa'kin ay tunay
Bakit ayaw huminto?
Pa'no kung 'di mabigay sa'yo?
Ang hinihintay mong matamis kong oo
Bakit ka pa naghihintay?
Pa'no kung mawalan ng saysay?
Ang pag-ibig mong sa'kin ay tunay
Bakit ayaw huminto?
Pa'no kung 'di mabigay sa'yo?
Ang hinihintay mong matamis kong oo
Matamis kong oo
Matamis kong oo
Pa'no?
[Outro]
Ta-ta, ta-ra-ra-ra-ta-ta-ta-ta, ta-ra-ra-ra-ta-ta-ta-ta
Ta-ta, ta-ra-ra-ra-ta-ta-ta-ta, ta-ra-ra-ra-ta-ta-ta-ta
Hmm-hmm