Yeng Constantino
Away-Bati
[Verse 1]
Puro away, napapansin mo ba?
Mamaya ngingiti, mamaya ngingiwi
Puro tampuhan, walang katapusan
Mamaya hihinto, 'di ka na kikibo
'Di naman sa sinasabing nagsasawa na
Ang akin lang naman pwedeng ayusin pa ba
Kung ayos lang sa'yo ang ganito
Sige na nga, magtitiis na lang ako

[Chorus]
Kasi nga mahal kita
'Di naman pwedeng sabihing ayaw ko na
Kasi nga mahal kita, ha, ha

[Verse 2]
Konting masabi, naiinis agad
Ako ba ang mali, oo ba o hindi?
Sa buong araw, di pwedeng walang sigawan
Ako na ang mali, laging nagtitimpi
'Di mo naman aamining kasalanan mo nga
Nasasaktan na ako, hoy, ano ka ba
Kung ayos lang sa'yo ang ganito
Sige na nga, magtitiis na lang ako

[Chorus]
Kasi nga mahal kita
'Di naman pwedeng sabihing ayaw ko na
Kasi nga mahal kita, ha, ha
[Bridge]
'Di naman sa sinasabing nagsasawa na
Ang akin lang naman pwedeng ayusin pa ba
Kung bakit ba kasi ang daming pinagtatalunan
Sige na nga, 'di naman kita kayang iwanan

[Chorus]
Kasi nga mahal kita
'Di naman pwedeng sabihing ayaw ko na
Kasi nga mahal kita
Ayoko lang ng ganito
Sumasakit na ang ulo ko
Away-bati tayo

[Outro]
Mahal kita
Kaya 'di ko sasabihing ayoko na
Kasi nga mahal kita
Ayoko lang ng ganito
Sumasakit na ang ulo ko
Away-bati tayo, oh-oh, whoa
Oh-oh, whoa