Rico J. Puno
Kahit Kunwari Lang
[Verse 1]
Nalalaman kong ako'y mula't mula pa ay 'di mo mahal
Nababasa ko sa salita mo at mga galaw
Ngunit kahit ganito, umiibig pa rin ako sa 'yo
Tangi kong hiling sana nama'y pagbigyan mo

[Chorus]
Kahit kunwari lang sabihin mo, aking mahal
Itong pinakahihintay kong madinig buhat sa 'yo
Kahit kunwari lang, ibigin mo muna ako
Kahit iba ang mahal mo, pagbigyan mo sana ako

[Post-Chorus]
Woah-woah-oh

[Verse 2]
Sana'y 'wag pagtawanan, hindi biro ang pakiusap ko
Puso kong ito hanggang langit ang pag-ibig sa 'yo
Kapalaran ko ito, hindi ako nagdaramdam sa 'yo
Tangi kong hiling sana nama'y pagbigyan mo

[Chorus]
Kahit kunwari lang sabihin mo, aking mahal
Itong pinakahihintay kong madinig buhat sa 'yo
Kahit kunwari lang, ibigin mo muna ako
Kahit iba ang mahal mo, pagbigyan mo sana ako
[Outro]
Kahit kunwari lang, ooh, sabihin mo, aking mahal
Itong pinakahihintay kong madinig buhat sa 'yo