Rico J. Puno
Tulungan Mo Ako
[Verse 1]
Kay hirap tahakin nitong landas
Palubog na'ng araw, kay kapal ng ulap
Mababasa ako pagbuhos ng ulan
Naghahanap ngayon ng masilungan

[Verse 2]
Babalik na lang ako roon
Sa dati kong pinagmulan
Naisip ko, sayang ang panahon
Walang patutunguhan ang buhay ko

[Verse 3]
Naririto ako sa mundong kay lalim
Iabot mo ang iyong kamay para sa akin
Nalilito ako, 'di alam ang gagawin
Ilawan mo ako sa gitna ng dilim

[Chorus]
Tulungan mo ako, tulungan mo
Gisingin mo ako sa aking kinalalagyan
Bigyan mo ng pansin, ituro mo sa akin
Ang mali at tamang landasin

[Verse 2]
Babalik na lang ako roon
Sa dati kong pinagmulan
Naisip ko, sayang ang panahon
Walang patutunguhan ang buhay ko
[Chorus]
Tulungan mo ako, tulungan mo
Gisingin mo ako sa aking kinalalagyan
Bigyan mo ng pansin, ituro mo sa akin
Ang mali at tamang landasin
Tulungan mo ako, tulungan mo
Habang may sikat pa, habang may pag-asa
Tanging kalinga mo ang kailangan ko
Upang buhay ko'y magbago

[Outro]
Upang buhay ko'y magbago