Rico J. Puno
Mabuti Pa Sila
[Verse 1]
Mabuti pa ang mga surot laging mayrong masisiksikan
Mabuti pa ang bubblegum laging mayrong didikitan
Mabuti pa ang salamin laging mayrong tumitingin
'Di tulad kong laging walang pumapansin

[Verse 2]
Mabuti pa ang mga lapis sinusulatan ang papel
At mas mapalad ang kamatis maya't maya'y napipisil
Napakaswerte ng bayong hawak ni miss na maganda
'Di tulad kong lagi na lang nag-iisa

[Bridge]
Ano ba'ng wala ako na mayro'n sila?
'Di man lang makaisa habang iba'y dala-dalawa
Pigilin niyo akong magpatiwakal
Mabuti pa ang galunggong nasasabihan ng mahal oh

[Verse 3]
Kahit ang suka ay may toyo, ang asin may paminta
Mabuti pa ang lumang dyaryo at yakap-yakap ang isda
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
'Di tulad kong lagi na lang nag-iisa

[Verse 4]
Mabuti pa ang simpleng tissue laging nahahalikan
Mabuti pa ang mga bisyo, ha, umaasang babalikan
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
'Di tulad kong lagi na lang nag-iisa, oh
[Bridge]
Pigilin niyo akong magpatiwakal
Bakit si Gabby Concepcion lagi na lang kinakasal?

[Verse 5]
Mabuti pa'ng mga snatcher laging may naghahabol
Ang aking luma na computer mayro'n pa rin compatible
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
'Di tulad kong lagi na lang nag-iisa
Nag-iisa