The Itchyworms
Wala Nang Pwedeng Magmahal Sa’yo (Stalker Song)
[Intro]
Hello? Hello? Hello? Sino ito?

[Verse 1]
Napanood kita kanina sa loob ng TV
Sabi mo, "Hello," sa akin
Ako ay nabighani
Sabi mo ay babalik ka
Pagkatapos ng commercial
Kay tagal kong naghintay
Muntik na akong magpakamatay

[Chorus]
Nasa'n ka man, pag-ibig ko walang hanggan
Hanggang sa dulo, forever tayo
Nasa'n ka man mag-ingat ka, ako'y nandyan
Wala nang pwedeng
Magmaghal sa'yo kundi ako

[Interlude: Edna]
Hello, hello, ano ba?
Sino ba ito?

[Verse 2]
Nakita kita sa mall kahapon sa loob ng sine
Sana lumabas ka dyan at umupo ka dine
Bibigyan sana kita ng popcorn
But you made me deadma
Kung ganyan pala ang ugali mo Edna
I'll make you dead na
[Chorus]
Nasa'n ka man, pag-ibig ko walang hanggan
Hanggang sa dulo, forever tayo
Nasa'n ka man mag-ingat ka, ako'y nandyan
Wala nang pwedeng
Magmaghal sa'yo kundi ako
Kundi ako

[Interlude 2: Edna and Mysterious Caller]
Hello, hello? Hello, who's this ba talaga? Please stop it now! Don't me call me na, please. Hello?
Hi Edna! Kilala mo ba ako? Ako ang iyong number one fan! Alam mo ba noong contestant ka pa lang sa "Search for the next half-Filipino, half-Foreigner, Pop Queen Sensation," sobrang idol na kita ngayon. Kahit wala kang talent, ayos lang. Ang puti mo naman eh! 'Yan naman ang kailangan para sumikat dito sa Pilipinas, eh!
Pero iyong punyetang judge na yan, hindi siya nakakatuwa ha! Kinokontrol niya ang mga fake voters na yan para dun siya sa mga kalaban mo bumoto! Hindi na niya magagawa yan kahit kailan! Alam mo bakit Edna? Dahil patay na siya! Pinatay ko na siya! Ahahaha!
(Ahh!)
Sorry, sorry, sorry, sorry. Huwag ka matakot. I did not mean to scare you. Oo nga pala, yung VCD na La Loma scandal, alam kong hindi ikaw iyon. Kamukha mo lang iyon, kasi hindi mo naman gagawin iyon eh diba? Heh, pero meron ako noon eh, pero bigay lang sa akin. Pero ang laki ng problema ng Poseidon Posadas na yan, ah! Alam kong magka-loveteam kayo pero puta naman! Ang laswa laswa ng pagkakaakbay niya sayo sa Mall Show! Tandaan mo ito, Edna! Lahat ng ginawa ko, ginagawa ko at gagawin ko ay para sa'yo, dahil–

[Chorus]
Nasa'n ka man pag-ibig ko walang hanggan
Hanggang sa dulo, forever tayo
Nasa'n ka man mag-ingat ka, ako'y nandyan
Wala nang pwedeng
Magmaghal sa'yo kundi ako
Nasa'n ka man, pag-ibig ko walang hanggan
Hanggang sa dulo, forever tayo
Nasa'n ka man mag-ingat ka, ako'y nandyan
Wala nang pwedeng
Magmaghal sa'yo kundi ako