UDD
‘Di Ka Mawala
[Verse 1]
Pagsapit ng gabi laging inaabangan
Liwanag ng buwan
Ngayon ay nasaan ang kalayaang mag-isip
Mag-isip ng kung ano
'Di tungkol sa'yo
'Di tungkol sa'yo

[Chorus]
Ako'y nangako sa sarili
Na 'di na iisipin pa
Ngunit ikaw pa rin ang nasisilayan
'Pag pinikit ko ang mata

[Post-Chorus]
Sa'king pagtulog, ikaw ang laging nand'yan
Sa panaginip, 'di ka mawala, 'di ka mawala

[Verse 2]
Pagsapit ng umaga, laging inaabangan
Bagong umaga na walang nag-iba
Ikaw pa rin ang hinahanap, malayo ang tingin
Ako'y gising na nangarap, nakatulala sa hangin

[Chorus]
Ako'y nangako sa sarili
Na 'di na iisipin pa
Ngunit ikaw pa rin ang nasisilayan
'Pag pinikit ko ang mata
[Post-Chorus]
Sa'king paggising ikaw ang laging nand'yan
Sa isip ko, 'di ka mawala, 'di ka mawala
Sa'king pagtulog ikaw ang laging nand'yan
Sa panaginip, 'di ka mawala, 'di ka mawala

[Outro]
Panaginip lamang ba
Tayo’y magsasama?
Panaginip lamang ba, oh
Tayo’y magsasama, oh?
Panaginip lamang ba, oh
Tayo’y magsasama, oh?
Panaginip lamang ba, oh
Tayo’y magsasama, oh?