Zsa Zsa Padilla
Minsan Pa
[Verse 1]
Kay tagal ko nang pangarap at laging nang dasal
Pag-ibig na sadyang wagas
Ngunit waring kay ilap ng palad kong ito
At ako'y patuloy na bigo

[Pre-Chorus]
O, pusong kay sakit, alaalang kay pait
At kung muling balikan ang lahat ng nagdaan

[Chorus]
Tila walang pang minahal at walang natagpuan
Nais ko sanang mag-isa't huwag nang umibig pa
Kung 'yan man ay totoo at manatili sa mundo
Na walang buhay, walang kulay, walang nagmamahal
Ngunit kung ako'y mahihintay, umasa pa't umibig pang muli
Minsan pa

[Verse 2]
Minsan pa akong nangarap at sana'y maganap
Sa iyo'y ibibigay lahat
Narito ka ngayo't kailanman, ikaw ang langit ko
Tanging ningning ng buhay ko

[Pre-Chorus]
Halina sa piling ko, alisin ang takot ko
At sa muli'y malasap ang pag-ibig na ganap
[Chorus]
At ang pangarap na mundo ay matupad sa piling mo
Ayaw ko nang muling mabuhay na nag-iisa
Ikaw ang simula't wakas, ang ngayon at ang bukas
Ikaw ang pag-asa habang buhay, mahal pa rin kita
At hanggang wakas, pag-ibig ko'y sadyang wagas
Ngayon at kailanman

[Instrumental Bridge]

[Chorus]
Ikaw ang simula't wakas, ang ngayon at ang bukas
Ikaw ang pag-asa habang buhay, mahal pa rin kita
At hanggang wakas, pag-ibig ko'y sadyang wagas
Ngayon at kailanman
Minsan pa