Basil Valdez
Ngayon
[Intro]
Ah, ah, ah, ah-ah
Ooh, woah, ooh, ooh, ooh

[Verse 1]
Ngayon ang simula ng hiram mong buhay
Ngayon, ang daigdig mo'y bata at makulay
Ngayon gugulin mo nang tama't mahusay
Bawat saglit at sandali
Magsikap ka't magpunyagi
Maging aral bawat mali

[Verse 2]
Ngayon, bago ito ay maging kahapon (Kahapon)
Ang pagkakataon sana'y huwag itapon
Ikaw, tulad ko rin, ay may dapithapon
Baka ika'y mapalingon
Sa nagdaang bawat ngayon
Nasayang lang na panahon

[Chorus]
Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas, pangitain niyang ganda'y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang
Kay ganda ng buhay ngayon
[Verse 3]
Sa buhay mong hiram (Sa buhay mo), mahigpit man ang kapit
May bukas na sa 'yo'y 'di na rin sasapit
Ngunit kung bawat ngayo'y dakila mong nagamit
Masasabi mong kahit na
Ang bukas, 'di sumapit pa
Ang naabot mo'y langit na

[Chorus]
Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas, pangitain niyang ganda'y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang
Kay ganda ng buhay
Bukas mo'y matibay
Dahil ang sandiga'y ngayon
Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas, pangitain niyang ganda'y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay sulit lang
Kay ganda ng buhay
Bukas mo'y matibay
Dahil ang sandiga'y ngayon