đŸ”„ Earn $600 – $2700+ Monthly with Private IPTV Access! đŸ”„

Our affiliates are making steady income every month:
IptvUSA – $2,619 ‱ PPVKing – $1,940 ‱ MonkeyTV – $1,325 ‱ JackTV – $870 ‱ Aaron5 – $618

đŸ’” 30% Commission + 5% Recurring Revenue on every referral!

👉 Join the Affiliate Program Now
Apo Hiking Society
Sa Bawat Umaga

[Verse 1]
Sa bawat umagang sumisikat ang araw
Alalahaning hiram lang ang buhay
Ang bawat sandaling sa iyo'y lumilipas
Gawain o isip, mga tula't awitin
Ay laging bigyan ng saysay

[Verse 2]
Sa bawat lansangan na ibig mong tahakin
Hanapan ng dulong pupuntahan
Sa bawat hakbang ng iyong paglilibot
Kanan o kaliwa, sana'y iyong isipin
Kung bakit naglalakbay

[Chorus]
'Pag iyong nakalimutan ang iyong pinanggalingan
Ang nais maabot ay lumalayong tuluyan
Mata'y nasisilawan, budhi'y nakukulayan
Naliligaw kung saan-saan

[Instrumental Break]

[Verse 3]
Sa bawat hangaring iyong ipinaglalaban
Isipin ang mundo'y para sa lahat
Sa bawat sandaling ikaw ay umibig
Puso'y nasasagi, hapdi'y 'di mapawi
Bawat puso'y may sariling pintig
[Chorus]
'Pag iyong nakalimutan ang iyong pinanggalingan
Ang nais maabot ay lumalayong tuluyan
Mata'y nasisilawan, budhi'y nakukulayan
Naliligaw kung saan-saan

[Chorus]
'Pag iyong nakalimutan ang iyong pinanggalingan
Ang nais maabot ay lumalayong tuluyan
Mata'y nasisilawan, budhi'y nakukulayan
Naliligaw kung saan-saan