Apo Hiking Society
Mahal Pa Rin Kita
[Verse 1]
Mahal pa rin kita kahit ako'y mukhang tanga
Ako'y maghihintay
'Pag may pinili kang iba ay 'wag na lang
At siya'y mamamatay
Ako na lang kaysa kung sino pa
Kawawa lang ililibing ko siya

[Verse 2]
Mahal huwag pakinggan
Ang dila ng nanlilinlang nananakot lang 'yan
Nandirito ang puso ko
Tumitibok lamang para sa 'yo
Ako na lang, bakit sino ba siya
Kawawa lang, siya'y kalimutan na

[Verse 3]
Pag-ibig, pag-ibig daw ang tawag
Nananakot ka lang nanloloko ka lang
'Yan ang siyang maliwanag
Pag-ibig ganyan ka ba manligaw

[Verse 4]
Sumuko ka na, walang-hiya talaga
Ako, ako, ako ang tangi niyang mahal
Dulot ng Maykapal
Pinakamahusay, pag-ibig na tunay
Ang gulo ng buhay
[Skit]
Naguguluhan ako
Sino sa kanilang dalawa?

[Verse 5]
Mahal pasensiya na
Kung naguguluhan ka sa aming pagkanta
Mahal kang talaga
Kahit kami ay dalawa ika'y nag-iisa

[Verse 6]
Pag-ibig (Oh)
Pag-ibig ang hangarin (Pag-ibig ang hangarin)
Walang halong biro ('Di ka mabibigo)
'Yan ang aming damdamin
Pag-ibig ganyan kami manligaw

[Verse 7]
Sayang ang panahon ang pagkakataon
Nandidito kami at nandiyan ka naman
Pili na mahal ko (Pili na)
Hirang