Apo Hiking Society
Tamad
[Verse 1]
Kay hirap gumising kapag gising ka na
Tulog ang katawan, utak nagpapahinga
Lahat ng gagawin, ipagpaliban mo na
Maaga pa naman, may oras pang natitira

[Verse 2]
Oh, kay sarap mong binata, oh, sandali na lang
Mahal kong talaga ang kumot ko at unan
Ilang buwan na bang sila ay 'di nalalabhan?
Mahal ko talaga at 'di ko maiwanan

[Chorus]
Pangarap kaya, pangarap na lang
Kung mayro'ng pag-asa'y hindi ko alam
Pangarap na lang hanggang magisnan
Na may mga narating nang buhay

[Verse 3]
Mahirap mabuhay kung lagi kang gising
Mulat nga ang mata, isip mo nama'y lasing
Walang katapusan kung lagi mong iisipin
Mabuti pa kaya'y matulog na nang mahimbing

[Bridge]
Mahal kong talaga ang kumot ko at unan
[Outro]
Mabuti pa kaya'y matulog na nang mahimbing