Apo Hiking Society
Telephone Pal
[Verse 1]
Tuwang-tuwa ako nung nakita kitang nag-iisa
Hindi mo na kasamang mga masusungit mong barkada
Haa, siguro naman, pupwede ka nang
Magbigay ng iyong numero
Numero ng telepono
Upang araw-araw ay matatawagan na kita

[Verse 2]
Lumipas na ang mga araw na hanggang sulat na lang
Bumibili pa ng selyo, pinapadala't nilalawayan
Jurassic na 'yon, lumang panahon
Ano nga ang 'yong numero
Numero ng telepono
Araw-araw ay matatawagan na kita
Ha ha

[Chorus]
Telephone pal
Kung hanggang doon ka na lamang ba pupwede
Telephone pal
Kung sa pamamasyal at date ay 'di ka pa ready
Telephone pal
Araw man o gabi for as long as the number that you're calling is not busy
Telephone pal
Sa dinami ng kwento i love you ay palaging kong nasasabi
[Post-Chorus]
Telephone telephone telephone
Telephone mo'y kolorum
Pumayag makipag-call
Hindi kita isusumbong
Cellphone cellphone cellphone
Ang cellphone ko'y na-clone
Kung sino mang nag-clone
Dapat ikaw ay makulong

[Verse 3]
Magkaroon ka man ng pager o beeper ay kulang pa rin
Iba na talaga kung may teleponong bibitbitin
Kahit nasa'n, matatawagan
Anong oras bang gusto mo
Kung may party ka ba kamo
Isang tawag mo lang siguradong nandya-dyan na ako
He he

[Chorus]
Telephone pal
Kung hanggang doon ka na lamang ba pupwede
Telephone pal
Kung sa pamamasyal at date ay 'di ka pa ready
Telephone pal
Araw man o gabi for as long as the number that you're calling is not busy
Telephone pal
Sa dinami ng kwento i love you ay palaging kong nasasabi
[Post-Chorus]
Telephone telephone telephone
Ginamit pang party tone
Sa laki ng naging utang
Telephone pinutulan
Cellphone cellphone cellphone
Not in service daw ngayon
Baka naman lowbatt
Ang balay ni Bilay Rebat

[Skit]
Okay, you can still page me at 14344
Oh sige
Parating dahilan mo, lowbatt eh
Ikaw rin lowbatt eh
Oy hindi ah, telepono 'to
Telepono, lowbatt ka parati