Apo Hiking Society
Bakit Ba
[Verse 1]
Bakit ba parang kang nalalayo sa 'kin?
'Di pa ba sapat ang pagmamahal ko sa 'yo?
'Di ba mula pa noon, ikaw lang ang pinapansin
'Di ba't hanggang ngayon, ikaw lang ang minamahal
Sinasamba, wala nang iba

[Verse 2]
Bakit ba pagsuyo ko'y 'di na napapansin?
Mayro'n ba akong nagawang pagkakamali?
Sabi mo pa noon, pag-ibig mo'y 'di magbabago
Sana naman ngayon, aminin mo na mayro'n ka nang
Ibang minamahal at 'di na ako

[Chorus]
Kung mayroon ka nang ibang minamahal
Isipin mo lang kung kayo'y magtatagal
Pagkat nandito ako
Naghihintay sa 'yong pagbabalik

[Verse 3]
Bakit ba ikaw ang naturing kong mahalin?
At tila ba ginising mo ang puso kong nahihimbing
At magmula noon, ikaw lang ang pinapansin
Kahit hanggang ngayon, ikaw lang ang minamahal
Sinasamba (Sinasamba), wala nang iba
[Chorus]
Kung mayroon ka nang ibang minamahal
Isipin mo lang kung kayo'y magtatagal
Pagkat nandito ako
Naghihintay sa 'yong pagbabalik

[Outro]
Bakit ba parang kang nalalayo sa akin?
Bakit ba, pagsuyo ko'y 'di na napapansin?
Bakit ba ikaw ang naturing kong mahalin?
Bakit ba, oh, bakit ba?