Apo Hiking Society
Kumot At Unan
[Verse 1]
Mabuti pa ang unan mo, kasama 'pag gabi
Mabuti pa ang kumot mo, kasiping sa tabi
Sa pag-uwi mo, sila ang 'yong kasama
At sa pagtulog, wala nang iba

[Chorus]
'Yan ba nama'y pagseselosan ko pa
Kung maaari lang naman
Ako na lamang sana ang
Maari mong gawin na kumot at unan mo

[Verse 2]
Mabuti pa'ng panyo mo, may dampi sa'yong pisngi
At sa tuwing kausap ka'y laging nakangiti
Sa pag-uwi ko, 'yan ang naaalala
At sa pagtulog, wala nang iba

[Chorus]
'Yan ba nama'y malilimutan ko pa
Kung maaari lang naman (Maari ba naman)
Ako na lamang sana ang (Pwede ba naman)
Maari mong gawin na kumot at unan mo

[Verse 3]
Pangarap kita kahit papa'no pa kita isipin
Pangarap kita, dinggin mo sana ang aking awitin
Pangarap kita, gawin mo sana akong pangarap mo rin
[Verse 4]
Mabuti pa ang baso, may tikim ng 'yong halik
Naiinggit ang labi kong laging nananabik
Sa 'king paggising, 'yan ang naaalala
Tuwing umaga, wala nang iba

[Chorus]
'Yan ba nama'y maiiwasan ko pa
Kung maaari lang naman (Maari ba naman)
Ako na lamang sana ang (Pwede ba naman)
Maari mong gawin na kumot at unan mo

[Chorus]
Kung maaari lang naman (Maari ba naman)
Ikaw na lamang sana ang (Pwede ba naman)
Maari kong gawin na kumot at unan mo