Apo Hiking Society
Suntok Sa Buwan
[Verse 1]
Sabi nila na hindi ko raw makakaya
Ang lumapit sa 'yo, mag-isang magpakilala
Sabi nila, malakas daw ang aking loob
Sinuswerte daw ba akong mag-isip na tayong dalawa ay magmahalan

[Verse 2]
Tingnan mo ngayon, sino na nga bang nakatawa?
'Pag tayo ay naglalakad, o 'di ba, tahimik na lang sila
Sa dami noon na nanligaw sa 'yong poging nakapilang baldeng pabling
Sino bang mag-akalang tayo ay magmahalan, magkatuluyan?

[Chorus]
Suntok sa buwan ka lang no'ng araw, tanging irog ko
Sa ganda mo at bait ay hindi ko akalain
Puso ko'y hinagip sa dilim, karibal ko'y hindi pinansin
Rumimate na lang sa bandang hulihan
Suntok sa buwan, panalo
Akin ka lang

[Verse 3]
Sabi nila na hindi nga raw tayo bagay
Mapapansin mo lang daw ako kung mawawalan ka ng malay
Sabi nila, kailanga'y isang himala, 'di ka raw madaan sa tiyaga
Tingnan mo kung sino na ang siyang nakatunganga, humahanga
[Chorus]
Suntok sa buwan ka lang no'ng araw, tanging irog ko
Sa ganda mo at bait ay hindi ko akalain
Puso ko'y hinagip sa dilim, karibal ko'y hindi pinansin
Nakahagod na lang sa bandang hulihan
Suntok sa buwan, panalo
Akin ka lang

[Pre-Chorus]
Sabi nila malakas daw ang aking loob
Sinuswerte daw ba ako?
Sino bang mag-akalang tayo ay magmahalan, magkatuluyan

[Chorus]
Suntok sa buwan ka lang no'ng araw, tanging liyag ko
Sa ganda mo at bait ay hindi ko akalain
Puso ko'y hinagip sa dilim, mga karibal ko'y hindi pinansin
Rumimate na lang sa bandang hulihan
Suntok sa buwan, panalo, ow!
Akin ka lang

[Outro]
Um, hi, babe
Hi, pangga
Ang suwerte ko naman
Talagang ako lang ba ang love mo?
Syempre, pangga
Yes!
Um, ipapakilala lang kita sa friends ko ah
Okay, babe
Paglapit nila, kiss agad ah
Ha? Over!
Ayy