Apo Hiking Society
Salawikain
[Verse 1]
Kapag ang buhay mo'y malungkot
'Wag kang sisimangot
Kapag bulsa'y walang pera
Daanin sa tawa
Wala ng pera, sisimangot ka pa
La-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la-la

[Verse 2]
Kapag ikaw takot sa multo
Dala ka ng aso
Kapag ikaw takot sa daga
Dala ka ng pusa
Magsasawa ka sa kuting at tuta

[Verse 3]
Salawikaing ito ay bago
Pampalipas oras lamang lahat
Biru-biruan lamang na payo
Kami'y nanunuya, natutuwa
Natatawa lang sa mundo, oh

[Verse 4]
Kapag ikaw naiinitan
Dala ka ng payong
Sa pagdating naman ng ulan
Payong mo ang baon
'Wag lang kanin ang baon na payong
[Verse 5]
Kapag lalaki may bigote
Maraming babae
Kapag babae may bigote
Ito ay lalaki
Kwidaw sa syota na mayroong bigote

[Verse 6]
Kapag pinanganak kang pangit
'Wag ka nang masungit
Kapag ika'y laging masungit
Lalo kang papangit
Hindi bagay magsungit ang pangit