Sharon Cuneta
Tuyong Damdamin
[Verse 1]
Minsan, kahit na pilitin mong uminit ang damdamin
'Di siya susunod at 'di maglalambing
Minsan, 'di mo na mapigil mapansin
Na talagang wala nang naiiwan na pagmamahal

[Chorus]
At kahit na anong gawin
'Di mo na mapilit at madaya
Aminin sa sarili mo
Na wala ka nang mabubuga

[Verse 2]
Parang 'sang kandila na nagdadala
Ng ilaw at liwanag
Nauubos rin sa magdamag

[Instrumental Break]

[Chorus]
At kahit na anong gawin
'Di mo na mapilit at madaya, oh
Aminin sa sarili mo
Na wala ka nang mabubuga

[Outro]
'Di na madaig o mabalik
Ang dating matamis na kahapon
Pilit ma'y tuyo na'ng damdamin