Sharon Cuneta
Kailangan Ko, Kailangan Mo
[Verse 1]
Anong lungkot ng gabi
Ngayong walang mga bituin
Ako ngayo'y ganyan din
Nag-iisa sa dilim
Walang kahulugan
Ang buhay na ito
Kung walang minamahal
O 'di kaya'y nagmamahal
Kailangan ko'y
Kailangan din ako

[Verse 2]
Ako ngayo'y nalulumbay
Sa 'ki'y walang sumasabay
Ikaw kaya'y katulad ko
Naliligaw sa ating mundo
Paano na lang tayo
Kung lagi na lang ganito
Kailangan ko'y katulad mo
Kailangan ang katulad ko
Sana ika'y lagi sa piling ko

[Verse 3]
Lahat tayo'y kailangan ng
Kasama sa mundong ito
Sana ika'y
Sana ika'y
Sana ika'y lagi sa piling ko