Sharon Cuneta
Nananabik Sayo
[Verse 1]
Nananabik sa 'yong bawat ngiti
Bawat galaw ng mga munting labi mo
Naghihintay sa 'yong bawat hikbi
Bawat pagtawa mong parang isang awit

[Chorus]
Nananabik sa 'yo
Nang maibuhos ang pag-ibig ko
Malaman sanang dahilan
Ng 'yong pagsilang dito sa mundong ito
Nananabik sa 'yo, mahal ko
(Nananabik sa 'yo, naghihintay sa 'yo)

[Verse 2]
Nananabik sa 'yong bawat sulyap
Bawat kisap ng mga mapungay mong mata
Naghihintay sa 'yong bawat padyak
Bawat patak ng luha mo sa tuwing umiiyak

[Chorus]
Nananabik sa 'yo
(Nananabik sa 'yo)
Nang maibuhos ang pag-ibig ko
(Nang maibuhos ang pag-ibig ko)
Malaman sanang dahilan
Ng 'yong pagsilang dito sa mundong ito
Nananabik sa 'yo, mahal ko (Nananabik sa 'yo)
[Bridge]
Ngayon ay kalong-kalong ka ooh
(Ngayon ay kalong-kalong ka)
Balang araw buong mundo'y matutuwa sa 'yo

[Chorus]
Nananabik sa 'yo
(Nananabik sa 'yo)
Nang maibuhos ang pag-ibig ko
(Nang maibuhos ang pag-ibig ko)
Malaman sanang dahilan
Ng 'yong pagsilang dito sa mundong ito
Nananabik sa 'yo (Nananabik sa 'yo)
Dapat malaman mo (Dapat malaman mo)
Nananabik sa 'yo, mahal ko, ooh ahh
(Nananabik sa 'yo, naghihintay sa 'yo)