Sharon Cuneta
Sana’y Maghintay Ang Walang Hanggan
[Verse 1]
Doon ka, dito ako
Hindi magkatagpo
Tawag ko'y 'di marinig
Ba't kay layo mo
Lapitan man ay 'di mo matanaw
Bingi't bulag sa akin ay
Walang pakiramdam
Sayang na pagmamahal
Paano na'ng pag-ibig kong walang hanggan

[Chorus]
Sana'y maghintay ang walang hanggan
Hanggang makilala mo ako ang iyong mahal
Baka ko matutuhan kita'y kalimutan
Baka pangako ko'y dumating sa kailanman
Sana'y maghintay ang walang hanggan
Sana ang iyong paglingap ay muli kong matikman
Subalit kung paglimot ay 'di mapigilan
Alalahanin mong kay tagal kitang hinintay

[Verse 2]
Narito ang puso kong inilaan sa 'yo
Pagod na nanginginig
Baka magtampo
Naghihintay ang labi kong uhaw
Handog nito'y ligayang
'Di mapapantayan
Sayang na pagmamahal
Parang hangin lamang
Sa iyo'y nagdaan
[Chorus]
Sana'y maghintay ang walang hanggan
Hanggang makilala mo ako ang iyong mahal
Baka ko matutuhan kita'y kalimutan
Baka pangako ko'y dumating sa kailanman
Sana'y maghintay ang walang hanggan
Sana ang iyong paglingap ay muli kong matikman
Subalit kung paglimot ay 'di mapigilan
Alalahanin mong kay tagal kitang hinintay