Brownman Revival
Diskarte
[Verse 1]
Sampung batya ng problema ang 'yong kaharap
Damdamin mo pinagbanlawan ng hirap
Puso mong sinipit, pag-ibig na pinipilipit
Kung pwede lang maalis ang sakit

Humawak ka sa aking mga kamay
Mga pagsubok, haharapin natin nang sabay
'Wag kang manghinayang, 'di pa tapos ang laban
Bumabad sa aking pagmamahal

[Chorus]
Baby, huminga ka naman
Diskarte lang 'yan
Tamang kuskos, maaayos din 'yan
Baby, huminga ka naman
Diskarte lang 'yan
Tamang kuskos, maaayos din 'yan

[Verse 2]
Kahit nahihirapan, ituloy ang kasiyahan
'Wag kang magpadala sa mga kabiguan
Problema'y parang ding bula, mawawala at may hangganan
Kung gugustuhin, lahat may paraan

[Chorus]
Baby, huminga ka naman
Diskarte lang 'yan
Tamang kuskos, maaayos din 'yan
Baby, huminga ka naman
Diskarte lang 'yan
Tamang kuskos, maaayos din 'yan
[Bridge]
Ganyan talaga ang buhay kung minsan (buhay kung minsan)
Nadudulas rin pero laging alalahanin (laging alalahanin)
Ang luhaan mong pusong pinagsampayan (pinagsampayan)
Natutuyo din sa sinag ng pag-ibig sa katagalan

[Chorus]
Baby, huminga ka naman
Diskarte lang 'yan
Tamang kuskos, maaayos din 'yan
Baby, huminga ka naman
Diskarte lang 'yan
Tamang kuskos, maaayos din 'yan

Baby, huminga ka naman
Diskarte lang 'yan
Tamang kuskos, maaayos din 'yan
Baby, ngumiti ka naman
Diskarte lang 'yan
Tamang kuskos, maaayos din 'yan

[Outro]
Ayos din 'yan, ayos din 'yan
Diskarte lang 'yan, yeah, hey
Ayos din 'yan, o, ayos din 'yan
Diskarte