Carol Banawa
Mara Clara
[Verse 1]
Ang buhay minsa'y nakapagtataka
Kahit ating sikapin na ito ay maiba
Sa bandang huli, babalik muli
Sa kung saan lahat nagsimula

[Verse 2]
Ang kahapong ating 'di na mabalikan
At bukas ay palaging 'di natin malalaman
Totoo nga bang may guhit ang tadhana
O nasa tao ba ang paraan?

[Chorus]
Mara Clara
Ika'y ako ngayon at ako'y ikaw
Katotohanan, 'di pa natatanaw
Sa agos ng buhay, tiyak ay lilitaw

[Verse 3]
Ang buhay minsa'y nakalilito
Pilitin mang baguhin ang kanyang anyo
Lahat may palitan, baliktari't takpan
Lilitaw ang tunay na loob nito

[Chorus]
Mara Clara
Sinilang may kanya-kanyang palad
Datapwa't kapalaran ay ibinaligtad
Ipinagpalit, 'di ginawang huwad
[Bridge]
'Di ko masasabi pa hanggang saan
Hanggang kailan
Itong magkabilang landas
At kailan magwawakas
Ang ating magkabilaan na katotohanan

[Chorus]
Mara Clara
Sinilang may kanya-kanyang palad
Datapwa't kapalaran ay ibinaligtad
Ipinagpalit, 'di ginawang huwad

[Outro]
Mara Clara
Katotohan ay lilitaw