Carol Banawa
Sabihin Na Sana
[Verse 1]
Laging nagtatanong ang puso kong ito
Hangang ngayon kaya'y mahal mo pa ako
Alaala ng kahapon nang lumisan ka noon
Ika'y babalik ang sabi mo doon

[Verse 2]
Lagi na lamang bang maghihintay sa'yo
Kayanin pa kaya ng pusong magtampo
Minsan ay nag-iisip kung tunay ang pangako mo
'Di kaya biro lang ang lahat ng ito

[Chorus]
Ang hangad ko lang naman
Minsan pa kahit na sandali, makita kang muli
At kung tuluyan nang ako'y iiwan mo
Ay sabihin na sa akin nang 'di na maghintay
Sa araw at gabi
Ooh