Eraserheads
Kailan Lounge
[Verse 1]
Kailan mo ako hahagkan?
Matagal na akong naghihintay
Nakadungaw sa bintana
Mga dahon lang ang kumakaway

[Chorus]
Kailan ko mararamdaman
Pagdampi ng iyong labi?
Tinatanaw ko ang mga bituin
Mga luhang humahalik sa aking pisngi

[Verse 2]
Kailan ako tatahan?
Higpit ng yakap ng 'yong dibdib
Nakatingin ako sa salamin
May guhit ang noo, mapait ang ngiti

[Chorus]
Kailan ko mararamdaman
Pagdampi ng iyong labi?
Tinatanaw ko ang mga bituin
Mga luhang humahalik sa aking pisngi

[Bridge]
Kailan ko masisilayan
Sa araw-araw, aking mahal?
Mula paggising hanggang sa pag-idlip
Kagandahan mong walang patid
[Verse 1]
Kailan mo ako hahagkan?
Matagal na akong naghihintay
Nakadungaw sa bintana
Mga dahon lang ang kumakaway

[Chorus]
Kailan ko mararamdaman
Pagdampi ng iyong labi?
Tinatanaw ko ang mga bituin
Mga luhang humahalik sa aking pisngi

[Outro]
Kailan ako lalaya
Sa anino ng pag-iisa?
Mga rehas lang ang tanaw
Nanginginig sa seldang maginaw, woah-oh