Eraserheads
Walang Hiyang Pare Ko
[Verse 1]
Pare ko, meron akong problema
'Wag mong sabihing "Na naman?"
In-love ako sa isang kolehiyala
Hindi ko maintindihan

[Bridge]
'Wag na nating idaan
Sa ma-boteng usapan
Lalo lang madaragdagan
Ang sakit ng ulo at bilbil sa tiyan

[Verse 2]
Anong sarap, kami'y naging magkaibigan
Napuno ako ng pag-asa
Yun pala hanggang do'n lang ang kaya
Akala ko ay puwede pa

[Pre-Chorus]
Masakit mang isipin
Kailangang tanggapin
Kung kailan ka naging seryoso
Saka ka niya gagaguhin

[Chorus]
O, Diyos ko, ano ba naman ito?
'Di ba? 'Lang hiya!
Nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako
Lecheng pag-ibig 'to
Diyos ko, oh! Ano ba naman ito?
Oh-oh-oh, oh-oh-oh-oh
Woah-ho-woah
[Verse 3]
Sabi niya, ayaw niya munang magkasiyota
Dehins ako naniwala
'Di nagtagal naging gano'n na rin ang tema
Kulang na lang ay sagot niya

[Bridge]
Ba't ba ang labo niya?
'Di ko maipinta
Hanggang kailan maghihintay
Ako ay naiinis na

[Verse 4]
Pero minamahal ko siya, ah-ah
'Di biro, T.L. ako sa kanya
Alam kong nababaduyan ka na sa mga sinasabi ko
Pero sana naman ay maintindihan mo

[Verse 5]
O, pare ko (O, pare ko) mayro'n ka bang maipapayo?
Kung wala ay okay lang (Kung wala ay okay lang)
Kailangan lang ay (Kailangan lang) ang iyong pakikiramay
Andito ka ay ayos na (Andito ka ay ayos na)

[Pre-Chorus]
Masakit mang isipin
Kailangang tanggapin
Kung kailan ka naging seryoso
Saka ka niya gagaguhin
[Chorus]
O, Diyos ko! Ano ba naman ito?
'Di ba? 'Lang hiya!
Nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako
Lecheng pag-ibig 'to
Diyos ko, oh! Ano ba naman ito?
'Di ba? 'Lang hiya!
Nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako
Lecheng pag-ibig 'to
Diyos ko, oh! Ano ba naman ito?
Oh-oh-oh, oh-oh-oh-oh
Woah-ho-woah
Ho, ho-ho
Woah-ho-woah